Badoy 'pinagbakasyon' ng SC
December 13, 2001 | 12:00am
Pinatawan ng Supreme Court ng "indefinite leave" si Associate Justice Anacleto Badoy, Jr., chairman ng Third Division bilang pagkastigo sa ilang mga umanoy "kapalpakan" nito na naglagay sa judiciary sa hindi magandang imahe.
Nakasaad sa SC ruling na inaalis si Badoy, 69, bilang mahistrado sa plunder case ni dating Pangulong Estrada. Nauna nang hiniling ng kampo ni Estrada sa SC na tanggalin si Badoy sa paghawak sa kaso sa alegasyong "bias" ito. Sasamantalahin naman umano ng depensa ang naging desisyon ng Korte para palakasin ang kanilang posisyon na tuluyang mag-inhibit si Badoy sa kaso.
Para kay Christine Badoy-Sanchez, anak at executive assistant ng mahistrado, blessing ang nangyari para makapagpahinga nang husto ang ama na kasalukuyang ginagamot sa sakit nitong hika. (Ulat ng AFP at Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended