Nur pakakawalan na ng Malaysia
December 13, 2001 | 12:00am
Nagbanta na kahapon si Malaysian Prime Minister Datuk Seri Dr. Mahathir Mohamad na sa ayaw at gusto ng Pilipinas ay kanya nang pakakawalan si rebel leader Nur Misuari anumang araw mula ngayon kundi man sa bisperas ng Pasko dahil isang buwan lamang umano ang itinakda nila para hawakan ang dating ARMM governor.
"We have no reason to retain him here. We will sent him back to Manila anytime they (the Philippine government) want to take him back," ito umano ang naging pahayag ni Mahathir ayon sa Malaysian Embassy sa Manila.
Ayon pa kay Mahathir, kung ayaw umanong kunin ng Pilipinas si Misuari ay mapipilitan itong ipasa ang nasabing lider sa ibang bansa na gustong kumanlong sa kanya.
"The fact remains that Misuari has not committed any offense in Malaysia except for illegal entry. We are detaining him for only a month. After that we have to let him go. But we are not releasing him to go where he likes... he does not have any travel papers. Indeed we want to deport him. If Manila wants him, then take him...Otherwise, we cannot keep him here. If others are willing to take him, we shall send him there," dagdag pa ni Mahathir.
Gayunman, nilinaw naman ni Mahathir na sa kasalukuyan ay wala pang bansa ang nagpapahayag na gustong "ampunin" si Misuari.
Samantala, nataranta naman ang Malacañang sa bantang ito ni Mahathir.
Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, hindi papayag ang Pilipinas na basta pakawalan si Misuari dahil may napagkasunduan sila na iti-turnover ng Malaysia si Misuari sa Pilipinas kapag tapos na ang mga ito sa kanilang imbestigasyon sa renegade leader.
Sinabi ni Tiglao na hindi naman umaayaw ang Pilipinas sa pagtanggap kay Misuari at nais lamang nitong patapusin ang ginawang pag-iimbestiga ng Malaysia.
Pero sinabi ni Vice President at Foreign Affairs Secretary Teofisto Guingona na hindi umano makapagpadala ng "formal deportation request" ang pamahalaang Pilipinas para sa pagpapauwi kay Misuari dahil wala pa naman umanong "formal notification" o konklusyon sa isinagawang imbestigasyon na ipinadala ang Malaysia sa RP.
Nangako naman si Guingona na aasikasuhin agad ang pagpapauwi sa dating gobernador pabalik ng bansa. Isang team umano ang malamang na ipadala para sumundo dito.
Si Misuari ay 18 araw nang hawak ng Malaysia mula ng arestuhin noong Nobyemrbe 24 sa kasong iligal na pagpasok sa teritoryo ng naturang bansa.(Ulat nina Rose Tamayo,Ely Saludar at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest