^

Bansa

Pagbuo ng Department of Sports, sinupalpal ni Oreta

-
Isinara na ni Senadora Tessie Aquino Oreta ang pintuan sa mungkahing pagbuo ng Department of Sports (DoS) na sa kanyang palagay ay lalo lamang magpapagulo imbes na makatulong sa mga atleta.

Sinabi ni Oreta na higit na dapat na unahin ng sports officials ay ang pagsasaayos ng kapakanan ng mga atleta na siyang inaasahan ng bansa na siyang magbibigay ng karangalan.

Ayon kay Oreta, lalo lamang magugulo ang mga atleta at malilito kung sino ang kanilang susundin dahil sa tiyak na darami ang papapel at mahahati ang atensiyon sa kanilang training bago masabak sa kumpetisyon.

Tanging ang kailangan lamang ng mga sports officials ay magkaroon ng hatian sa kanilang trabaho at hindi pakialaman ang isa’t isa kasabay ng pagkakaroon ng pagkakasundo upang sa gayon ay maiwasan lamang ang hindi pagkakaunawaan.

Nauna rito, iminungkahi ni Bacolod Representative Monico Puentebella ang pagbuo ng DoS upang mapondohan ng pamahalaan na siyang tutugon sa mga pangangailangan ng mga atleta.

Bukod anya sa hindi napapanahon, marami anyang magagawa ang mga opisyal na makahanap ng mga sponsors na siyang tutulong sa pagtataguyod ng mga kailangan ng mga atleta.

Malaki na anya ang nai-ambag ng -Bureau of Physical Education and School Sports (BPESS), isa sa mga line departments ng Department of Education Culture and Sports (DECS) na siyang tutulong ng husto upang hubugin ang mga atleta. (Ulat ni Rudy Andal)

ATLETA

AYON

BACOLOD REPRESENTATIVE MONICO PUENTEBELLA

BUREAU OF PHYSICAL EDUCATION AND SCHOOL SPORTS

DEPARTMENT OF EDUCATION CULTURE AND SPORTS

DEPARTMENT OF SPORTS

ORETA

RUDY ANDAL

SENADORA TESSIE AQUINO ORETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with