^

Bansa

P1M ginastos ng Task Force Marsha para pabanguhin ang nasirang imahe

-
Gumastos umano ng P1 milyon na ibinayad sa isang PR firm si PNP-Criminal Investigation and Detection Group Chief, P/Director Nestorio Gualberto para pabanguhin at linisin ang kanyang nasirang imahe matapos ang ginawang pagbaligtad ng self-confessed killer na si Philip Medel.

Ito ang ibinunyag kahapon ng ilang insider sa Camp Crame kung saan bukod sa "image buidling" ay trabaho rin umano ng hindi tinukoy na PR firm na balikan ang mga sumira sa pangalan ng Task Force Marsha na pinamumunuan ni Gualberto.

Sinabi ng source na gumagawa ng "praise release" ang PR firm na kinontrata ni Gualberto na siya namang ikinakalat sa isang newspaper dailies.

Isa sa pinalabas na istorya ng PR firm na ito ay ang pagbatikos umano ni P/Supt. Erickson Velasquez, CIDG legal officer sa Justice Department kung bakit bumaligtad si Medel, gayong ayon sa nasabing opisyal ay wala naman siyang sinasabing ganoong pahayag kaninuman.

Mariin namang pinabulaanan ni Gualberto ang impormasyong kumuha siya ng PR firm dahil wala anya siyang ibabayad na ganoong kalaking halaga. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

CAMP CRAME

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP CHIEF

DIRECTOR NESTORIO GUALBERTO

ERICKSON VELASQUEZ

GUALBERTO

GUMASTOS

JOY CANTOS

JUSTICE DEPARTMENT

PHILIP MEDEL

TASK FORCE MARSHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with