^

Bansa

GMA sa US: Dakpin si Misuari!

-
Pormal nang hiningi ng pamahalaang Pilipinas sa Estados Unidos na usigin ang nagrebeldeng dating gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARM) Nur Misuari bilang isang international terrorist na may kaugnayan sa al-Qaeda terrorist network ni Osama bin Laden.

Ayon kay Pangulong Arroyo, ipauubaya na niya sa gobyerno ng America ang pagtugis kay Misuari dahil puwede na itong ituring na kalaban ng US at banta sa kanilang seguridad.

Ito ay makaraang madiskubre ng military na may kaugnayan ito sa Abu Sayyaf at dapat nang idagdag sa listahan ng US ng mga suspected international terrorist.

"Since the Abu Sayyaf is included in the order of battle of the United States on the terrorist, we will be notifying the US that we have information that Misuari has links," pahayag ng Pangulo.

Si Misuari ay kinasuhan na ng rebelyon sa Pilipinas dahil sa pagsugod sa Jolo at ang pagsalakay sa Cabatangan complex sa Zamboanga City ng kanyang renegade forces.

Sa isang ambush interview, sinabi rin ng Pangulo na hindi niya bibigyang pansin ang umano’y open letter ni Nur.

Bagaman hindi pa niya natatanggap o nakikita ang naturang liham ay sinabi ng Pangulo na hindi niya papatulan ito.

"I’m not going to dignify any letter from him (Misuari) and I have not received it,"
dagdag pa ng Pangulo. (Ulat ni Ely Saludar)

ABU SAYYAF

AUTONOMOUS REGION

ELY SALUDAR

ESTADOS UNIDOS

MISUARI

MUSLIM MINDANAO

NUR MISUARI

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PILIPINAS

SI MISUARI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with