Bagong gobernador ng ARMM nanumpa na kay GMA
December 5, 2001 | 12:00am
Pinanumpa na kahapon sa tungkulin ni Pangulong Arroyo ang mga bagong halal na opisyales ng Autonomous Region in Muslim Mindanao sa pangunguna nina Dr. Parouk Hussin bilang gobernador at Dr. Mahid Mutilan bilang vice governor.
Nanumpa rin ang siyam na ARMM Regional Assemblymen na kinabibilangan nina Ansaruddin Adiong ng Lanao del Sur; Suhayla Salic, lanao del Sur; Alex Menor, Lanao del Sur; Julite Tammang, Sulu; Abraham Burahan, Sulu; Omar Maulana, Sulu; Umbrah Datumanong, Maguindanao; Ssuharto Mid Timbang, Maguindanao at Pua Mangondadato, Maguindanao.
Nangako sina Hussin at Mutilan na magkatuwang na magtatrabaho para mapanumbalik ang katahimikan at kaayusan sa ARMM lalo na sa Sulu at Basilan. Ang dalawa ay kapwa tumakbo sa ilalim ng partido Lakas-NUCD-UMDP.
Ang ARMM ay sumasakop sa mga lalawigan ng Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi at Marawi. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended