^

Bansa

GMA umapela sa sahod ng HK workers

-
HONG KONG - Nakiusap si Presidente Gloria Macapagal Arroyo sa pamahalaang Hong Kong na pigilin ang pagbawas ng mga sahod sa kanilang mga manggagawa.

Ang apelang ito ni Presidente Arroyo ay batay sa ipinalabas na ulat ng Hong Kong government sa pamamagitan ni Education and Manpower Secretary Fanny Law na patuloy na nagsasagawa ng pagbabalangkas kung dapat bawasan ang mga sahod ng mga domestic workers na karamihan ay mga Filipino.

"Huwag namang bawasan ang minimum wage ng mga domestic helpers,dahil tiyak na magiging kawawa ang kanilang mga pamilya na umaasa sa perang ipinapadala sa kanilang mga mahal sa buhay" pahayag ni Arroyo.

Ang Employers of Overseas Domestic Helper’s Association ay nagmungkahi ng 15 hanggang 20 porsiyento ang ibawas sa sahod ng mga domestic helpers upang umano ay mabawasan ang kabigatan ng mga employers sa kanilang pagpapasahod dahil sa krisis ng ekonomiya.

Sinabi naman ni Philippine Consul General Zenaida Angara Collinson na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa gobyernong Hong Kong na ikunsidera ang apela ni Presidente Arroyo.

Umaabot sa 67 porsiyento o may kabuuang 155,330 ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nagtatrabaho dito maliban sa Indonesians na may bilang na 66,970; Thai’s 6,940 at iba pang bansa na may bilang na 3,870.

Ang pagbabalangkas kung dapat bawasan ang sahod ng mga domestic helpers ay malalaman sa susunod na taon.

ANG EMPLOYERS OF OVERSEAS DOMESTIC HELPER

EDUCATION AND MANPOWER SECRETARY FANNY LAW

HONG KONG

HUWAG

NAKIUSAP

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PHILIPPINE CONSUL GENERAL ZENAIDA ANGARA COLLINSON

PRESIDENTE ARROYO

PRESIDENTE GLORIA MACAPAGAL ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with