2 mahistrado nagkainitan sa plunder trial
November 23, 2001 | 12:00am
Nagkasagutan kahapon ang dalawang mahistrado ng Sandiganbayan Third Division sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kasong plunder ni dating Pangulong Estrada. Hindi nagustuhan ni Associate Justice Anacleto Badoy, chairman ng Third Division, ang ginawang pagsabat ni Associate Justice Leonardo de Castro habang gumagawa siya ng ruling sa korte.
Sinabi ni de Castro na dapat konsultahin silang dalawa nina Associate Justice Ricardo Ilarde bago gumawa ng ruling si Badoy. Subalit sinabi ni Badoy na nasa patakaran ng Sandigan na ang chairman ang gumagawa ng ruling kung mayroong mga objection.
Sa umpisa pa lamang ng paglilitis ay tensiyonado na ang korte sanhi ng paghihigpit ni Badoy kahit hindi dumalo ang dating pangulo at anak nitong si Jinggoy Estrada. Binalaan ni Badoy ang lahat ng nasa korte na ipakukulong kapag gumawa ng hindi maganda at maging ang mga manonood na mag-iingay. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended