'Nanang' nagbabanta pa rin sa Palawan
November 9, 2001 | 12:00am
Patuloy na nagbabanta ang bagyong "Nanang" sa bansa partikular sa bahagi ng Palawan kung saan kahapon ay namataan ito sa layong 70 kilometro kanluran ng Roxas City taglay ang pinakamalakas na hangin na 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 90 kilometro bawat oras.
Ngayong umaga ay inaasahan ang bagyo na nasa bahagi ng southern Mindoro at Calamigan group at kanluran ng Coron, Palawan.
Nakataas ang babala ng bagyo bilang 2 sa buong Aklan, Capiz, Northern Iloilo, Northern Antique, Romblon at Cuyo Island, Mindoro Provinces, Lubang Island at Calamian Group.
Signal number 1 sa buong Batangas, Southern Quezon, Camarines Provinces, Albay, Sorsogon, Burias Island, Marinduque, Masbate, nalalabing bahagi ng Northern Palawan, Bantayan Island, nalalabing bahagi ng Antique, Iloilo at Northern Negros. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest