^

Bansa

GMA kampanteng umalis ng bansa

-
Kampanteng umalis kahapon si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo patungo sa Brunei upang dumalo sa 7th ASEAN Summit sa gitna ng walang kamatayang usapin sa umano’y planong kudeta at destabilisasyon sa kanilang administrasyon.

Sa kaniyang talumpati, binanggit ng Pangulo ang kaniyang pasasalamat sa tiwalang ibinibigay sa kanyang liderato at muling hiniling nito ang ibayong pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.

"Once more I acknowledge your faith in my leadership, I asked for a greater unity vigor and courage in pushing the national interest forward", pahayag ng Pangulo.

Sinabi ni Presidential Adviser on Political Affairs at Lakas NUCD Executive Director Jose Rufino na nasa likod ng Pangulo ang kanilang partido at nais nitong magtagumpay ang Arroyo administration.

Ito ay matapos na pagdudahan ang Lakas NUCD sa ipinalabas na press statement ng media consultant na si Ed Malay na umano’y may natanggap itong report sa pag-recruit ng young officers union sa dalawang piloto ng Philippine Airforce para sa planong kudeta. (Ulat ni Ely Saludar)

BRUNEI

ED MALAY

ELY SALUDAR

EXECUTIVE DIRECTOR JOSE RUFINO

LAKAS

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE AIRFORCE

POLITICAL AFFAIRS

PRESIDENTIAL ADVISER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with