^

Bansa

Al-Qaeda terrorists nasa Metro Manila na

-
Nakapasok na umano sa Metro Manila ang mga teroristang al-Qaeda at ilan sa mga ito ay nagsasagawa na ng intelligence operations sa mga mahahalagang instalasyon ng pamahalaan.

Ayon sa isang senior NBI agent na tumangging magpabanggit ng pangalan, nakatanggap sila ng intelligence report na ilan sa mga suspected terrorists ay nasa Maynila na at hinihinalang nakapagtayo na ng kanilang komunikasyon at inuumpisahan na ang pag-espiya.

Bagamat tumanggi ang source na sabihin kung ilan at kailan dumating sa Maynila ang mga umano’y terorista, sinabi nito na sila’y "sinanay" ng al-Qaeda sa ilalim ni Osama bin Laden.

Bunga nito, inalerto na ang local intelligence community kasabay ng pagpapadala ng mga agent para magsagawa ng counter-surveillance operations.

Ang report ay kasunod ng pagkakaaresto ng tatlong kalalakihan sa Zamboanga City na sinasabing kaalyado ni Osama bin Laden at pinagsususpetsahang nasa likod ng bombings sa nasabing siyudad noong nakaraang Linggo.

Nitong Martes, naaresto ng pinagsanib na mga puwersa ng NBI at police agents sa Zamboanga City ang mga suspek na sina Marvin Johnson, alyas Abdul Malik; isang Jamil, at isang Jamal.

Nakuha kay Johnson ang listahan ng mga gusali na hinihinalang target na pasabugin, kabilang ang mga malls, mga simbahan at mga palengke, isang directory ng suspected al-Qaeda terrorists at explosive chemicals, electronic devices, detonators at cellphones.

Ayon sa report, si Johnson ay isang lisensiyadong chemical engineer at graduate ng University of the Philippines noong 1996.

Samantala, pinatindi pa ng NBI ang paghahanap nito sa iba pang pinagsususpetsahang mga miyembro ng al-Qaeda network na naka-base sa Zambonga City.

ABDUL MALIK

AYON

MARVIN JOHNSON

MAYNILA

METRO MANILA

NITONG MARTES

OSAMA

QAEDA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with