Mrs. Burnham pinugutan na ng Abu Sayyaf?
October 28, 2001 | 12:00am
Nabulabog kahapon ang lalawigan ng Basilan matapos kumalat ang balitang pinugutan na ng ulo ng mga bandidong Abu Sayyaf Group ang bihag na Amerikanang si Gracia Burnham.
Sa nakuhang report kay Alton Angeles, public information officer ni Basilan Governor Wahab Akbar, tinotoo na umano ni Abu Sayyaf spokesman Abu Sabaya ang nauna nitong bantang pupugutan ang mag-asawang misyonaryong sina Martin at Gracia Burnham kung saan inuna umano ang babae.
Sinabi naman ni Southern Command Chief Lt. General Roy Cimatu, bagaman wala pa silang natatanggap na report hinggil dito ay kasalukuyan na nilang inaalam ang katotohanan ng balitang ito.
Nauna na nang nagbabala si Abu Sabaya na pupugutan nila ng ulo ang mag-asawang Martin at Gracia para gawing pabaon kay Pangulong Arroyo sa nakatakda nitong pagbisita sa US sa Nobyembre kung hindi makikipag-negosasyon sa kanila ang Pangulo.
Sa pagsasalita ni Sabaya sa isang lokal na himpilan ng radyo nooong Oktubre 15, sinabi ng Sayyaf spokesman na kung gusto ni Pangulong Arroyo na maging matagumpay ang pakikipagkita nito kay US President Bush ay dapat muna nitong pahintuin ang military rescue operation dahil kung magpapatuloy ito ay kasama niya sa pagpunta sa US ang mga bangkay nina Martin at Gracia at magiging kahiya-hiya lamang anya ang kalalabasan ng Pangulo kapag nangyari ito.
Hiniling ni Sabaya na makipag-usap sa kanila ang Pangulo at itigil ang ginagawang opensiba ng militar na tumutugis sa kanila.
Wala namang planong makipag-negosasyon ang pamahalaan sa mga bandido.
Nauna rito, iginiit ni AFP spokesman Brig. Gen. Edilberto Adan na walang balak ang gobyerno na makipag-usap sa mga mamamatay-tao, rapists at mga teroristang tulad ng mga bandidong Sayyaf.
Maraming beses na umanong binigyan ng pagkakataon ng gobyerno ang negosasyon pero sinayang lamang ng grupo.
Sinabi pa ni Adan na bagamat ang kaligtasan ng mga bihag ang pangunahing hangarin ay hindi yuyukod ang puwersa ng pamahalaan sa grupo ng Sayyaf na walang ginawa kundi linlangin ang gobyerno.
Nabatid na may sakit si Gracia at mahina na. Hindi magawang makatakas ng mag-asawang Burnham gaya ng mga nakatakas na mga bihag dahil naka-kadena ang dalawa at mahigpit na binabantayan ng mga bandido lalo na sa gabi.
Mahigit limang buwan na ngayong bihag ang mag-asawa matapos dukutin ang mga ito sa Dos Palmas beach resort sa Palawan, Puerto Princesa kasama ng iba pa noong Mayo 27. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended