2 Sayyaf leader natimbog
October 19, 2001 | 12:00am
Dalawa pang sub-commanders ng mga bandidong Abu Sayyaf na kapwa may patong sa ulo na tig-P1M ang nalambat ng mga operatiba ng militar sa magkakahiwalay na operasyon sa Zamboanga City at Basilan.
Kinilala ni AFP Southern Command Chief, Lt. Gen. Roy Cimatu ang nahuling Sayyaf leaders na sina Mohammad Abdullah at Abdulasam Andan.
Si Abdullah ay nadakip dakong alas-3 ng hapon nitong nakaraang Martes sa bisinidad ng Lamitan, Basilan sa kasagsagan ng sagupaan sa pagitan ng mga operatiba ng militar at grupo ng mga bandido.
Nasa akto umanong papuputukan ng B40 rocket-propelled grenade ang sinasakyang Simba armored vehicle ng mga militar nang madakip ito.
Samantala, si Andan na umanoy tauhan ni Sulu-based Sayyaf leader Mujib Susukan ay nadakip dakong alas-10 ng umaga kamakalawa habang namamalengke sa Zamboanga City.
Si Andan ay kabilang sa mga bandido na dumukot sa 21-katao sa Sipadan island sa Sabah, Malaysia.
Sumasailalim na sa tactical interrogation ang dalawang nahuling lider ng ASG. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest