^

Bansa

Mga anak ng senador at kongresista dawit din sa droga - Rosebud

-
Hindi lamang mga senador at kongresista ang sangkot sa illegal drugs, kundi pati mga anak ng ilan sa mga ito ay dawit na rin.

Sa ginawang pagbubunyag kahapon ni Mary "Rosebud" Ong sa pagdalo nito sa House committee on illegal drugs na pinamumunuan ni Rep. Antonio Cuenco, sinabi ni Ong na dalawang blue book na naglalaman ng listahan ng mga protektor ng ilegal na droga sa Pilipinas ang nasa kamay na ngayon ng Hong Kong Royal Police.

Una rito, napaulat na ilang senador at congressmen ang nasa listahan ng unang blue book na nagsasangkot kina Senators Nikki Coseteng at Vicente Sotto III sa drug trade bilang umano’y mga protektor.

Ang unang blue book ay inihayag sa publiko matapos ang raid ng Royal Police sa umano’y drug lord na si Alfredo Tiongco noong 1994.

Sa ikalawang blue book na nakumpiska naman sa raid noong 1998 ng Royal police na pinamumunuan ni P/Insp. Ron Abbot sa isang pharmaceutical company na gumagawa at nagbebenta ng esctasy drug, nakalista dito ang mga pangalan ng mga umano’y anak ng mga senador at kongresista na direktang buyer at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Nabigong pangalanan ni Ong ang mga anak ng naturang senador at kongresista at itinuro nito na tanging sina Senador Panfilo Lacson at Abbot lamang ang makapagbubunyag ng pangalan ng mga ito, pero hindi niya inaasahang gagawin ito ng dalawa. "Hindi ko maibibigay ang pangalan ng mga anak ng senador na nasa ikalawang blue book dahil wala akong dokumentong hawak. Tanging si Lacson lamang ang pupuwedeng magbunyag nito at si Abbot. Malamang na hindi magsalita si Abbot dahil kumpare niya sina Lacson at dating Pangulong Estrada," sabi ni Ong.

Sinabi ni Rep. Cuenco na posibleng magpadala ng team ang komite sa HK Police para hingiin ang dokumento sa Royal Police. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ALFREDO TIONGCO

ANTONIO CUENCO

HONG KONG ROYAL POLICE

LACSON

MALOU RONGALERIOS

ONG

PANGULONG ESTRADA

RON ABBOT

ROYAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with