3 senador request kay GMA; Benipayo, 2 pa sibakin
September 8, 2001 | 12:00am
Hiniling ng tatlong senador kay Pangulong Arroyo na maghanap na agad ng kahalili nina Comelec Chairman Alfredo Benipayo, Commissioners Resurrecion Borra at Florentino Tuazon Jr. upang hindi na tuluyang mapahiya sakaling isailalim ang mga ito sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA).
Ang payo ay ginawa nina Senators Edgardo Angara, Vicente Soto III at Robert Jaworski matapos nilang makita na mahihirapang lumusot ang mga ito sa CA batay na rin sa kanilang mga kapalpakan sa nakalipas na eleksiyon.
Inumpisahan nang isalang sina Benipayo, Tuazon at Borra ngunit dahilan sa dami ng mga problemang kinakaharap ng mga ito, committee level pa lamang ay hindi na sila lumusot.
Mapapahiya lamang anya ang administrasyong Arroyo kung igigiit pa nito ang kumpirmasyon ng tatlong opisyal ng Comelec dahilan sa tiyak na hindi ito makalulusot at magkakaroon lamang ng batik sa gobyerno at labis na pagkapahiya ang daranasin nito.
"After being bypass thrice, siyempre nakakahiya na and not mentioned that the opposition complaints were filed against the three officials of the Comelec before the appointment body," paglilinaw ni Angara.
Ikatlong pagkakataon na anya ito na hindi pinalusot ang tatlong opisyal ng Comelec simula pa ng nakalipas na 11th Congress at kung bibigyan pa ito ng ika-apat na pagkakataon, masyado nang nakakahiyang lalabas ang gobyerno na ipinipilit ang mga opisyal na hindi karapat-dapat na humawak ng mga sensitibong tungkulin sa pamahalaan.
Sinabi naman ni Jaworski na dapat ng humanap ang Arroyo administration ng kapalit ng tatlo habang naka-recess ang Kongreso upang maisumite na ang pangalan ng mga bagong isasalang.
Pero, tiniyak naman ni Pangulong Arroyo na hindi niya babawiin ang paghirang kay Benipayo at muli niyang isusumite ang appointment nito. (Ulat nina Rudy Andal at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest