May naganap na bayaran ng ransom
September 7, 2001 | 12:00am
Kinumpirma kahapon ng mga tumestigo sa isinagawang pagdinig ng Senado sa umanoy sabwatan ng AFP at Abu Sayyaf na nagbayad ng ransom ang tatlong biktima ng Dos Palmas hostages kaya pinalaya ang mga ito.
Idiniin ni Fe Castro, nurse ng Lamitan District Hospital na nakita niya sina AFP Gen. Romeo Dominguez at Col. Juvenal Narcise ng buksan ang isang itim na attache case na puno ng pera at kumuha ng P5,000 na pawang tig-iisang libo.
Sakay umano ng helicopter ang dalawa at bumaba at di nagtagal ay pumasok sa kanilang conference room bitbit ang attache case.
Nagsagawa muna umano ng inspeksiyon si Dominguez bago nito inilabas ang pera mula sa attache case ng makilala na nito si Dr. Julius Aguila, hepe ng naturang ospital.
Inabot ang pera kay Dr. Aguila at sinabing konting tulong mula sa kanila dahil sa dami ng sundalong kanilang ginamot doon.
Inilahad rin ng testigong si Noel Notario sa Senate committee on national defense and security na pinamumunuan ni Senator Ramon Magsaysay Jr. na noong June 2 bandang alas-10 ng umaga ay pinalaya ng ASG sa pamumuno ni Abu Sayyaf si Reghis Romero, Divine Montealegre at ang batang si RJ Recio matapos magbayad ng P5 milyon ransom.
Sinabi ni Notario, nagtanong ang kanilang bantay na ASG kung bakit naglalakad palabas ng Dr. Jose Ma. Torres Hospital sina Romero at isinagot ni Sabaya na nakabayad na ito kaya palayain na".
Kinatigan naman ng witness na si Corazon Trota ang pahayag na ito ni Notario matapos ipagtapat sa kanila ng mga nakasamang hostages mula sa Dos Palmas na noon ay nasa ospital, na nakabayad na sila ng P3 milyon pero hindi pa rin sila pinakakawalan dahil may kakulangan pa.
Naroon ako sa ospital simula May 29 dahil naka-confine ang aking anak hanggang sa biglang lumusob ang mga ASG kasama ang kanilang mga hostages mula sa Dos Palmas kabilang ang 2 Amerikanong bihag noong June 1 bandang alas-10 ng gabi, wika pa ni Trota.
Sinuportahan naman ng saksing si Salbina Fontillias, residente malapit lamang sa nasabing ospital, na nakita nitong naglalakad lamang sina Romero ng lumabas mula sa front door ng ospital na kampanteng-kampante lamang.
Kaya nabuo sa isip ko na pinalaya ito dahil nagbayad ng ransom dahil kampante ito sa paglalakad mula sa ospital at tumakbo lamang ng malapit na sa mga sundalo dahil nakarinig ng putok, Ani Fontillias.
Idinagdag ni Fontillias, noong June 1 ng umaga ay nagkubli sa kanilang bahay ang may 12 sundalo pero mga alas-11 ng dumating ang isang opisyal at biglang iniutos sa mga sundalo na pull-out sila dahil may briefing gayung kasagsagan ng putukan. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest