Devnani gagamiting testigo sa Bentain case
August 31, 2001 | 12:00am
Seryoso ang National Bureau of Investigation (NBI) na gamitin ang Indian businessman na si Dharm "Danny" Devnani bilang witness sa imbestigasyon nito sa kaso ng nawawalang casino employee na si Edgar Bentain.
Ayon kay NBI director Reynaldo Wycoco, gagamitin nila ang sinumpaang salaysay ni Devnani sa Senado na nagsasangkot kay dating pangulong Estrada sa pagkawala ni Bentain.
Si Bentain ang close-circuit television operator ng Heritage Hotel. Dinukot ito matapos na ipasa kay ex-PCSO chairman Manoling Morato ang isang video footage na nagpapakita kay Estrada na nooy Vice President habang naglalaro ng high stakes baccarat sa casino kasama ang mga kaibigan.
Bukod kay Devnani, dalawa pang witness ang ikinokonsidera ng NBI sa Bentain case.
Lima katao naman na pawang sibilyan ang kanilang tinutugis na umanoy nagsagawa ng surveillance kay Bentain bago ito dukutin.
Kasabay nito ay ibinasura ng NBI ang mga pahayag ng isa pang self-confessed agent ng binuwag na PAOCTF sa imbestigasyon nila sa umanoy criminal activities ni Senador Panfilo Lacson.
Ayon kay Wycoco, hindi nagtutugma ang mga statement ng agent na nagpakilalang "Mar." Nabigo rin umano si Mar na makapagsumite ng circumstancial evidence upang mapalakas ang kanyang sworn affidavit.
Si Mar ay lumutang sa NBI kamakalawa para umano tumestigo at sabihin ang katotohanan hinggil sa nalalaman siya sa umanoy criminal activities na kinasasangkutan ni Lacson.
Nabatid na si Mar ang umanoy ipantatapat kay Ador, subalit nakonsensiya umano ang una at nagpasyang suportahan ang mga testimonya ni Ador.
Sinabi naman ng isang NBI source na kailangan nilang mag-ingat sa pagtanggap ng mga lumilitaw na surprise witness dahil umano sa malaki ang posibilidad na ang kampong kanilang iniimbestigahan ay may tangkang taniman sila ng pekeng saksi.
Kailangan na idaan sa butas ng karayom ang mga susulpot na witness kontra Lacson dahil doon lamang malalaman kung genuine at hindi fake o aral ang kanilang testimonya. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended