Sayyaf leader may AIDS !
August 29, 2001 | 12:00am
Nagkaroon na ng outbreak ng nakahahawa at nakamamatay na acquired immune deficiency syndrome (AIDS) sa Western Mindanao matapos na makatanggap ng impormasyon ang militar na isang Sulu-based Abu Sayyaf leader ang iniulat na positibo sa nasabing sakit.
Kinumpirma ng isang opisyal ng military na hindi nagpabanggit ng pangalan na si ASG Commander Mujib Susukan, may patong sa ulo na P5M reward at pinsan ng isa pang lider ng Abu Sayyaf na si Ghalib Andang alyas Commander Robot, ay nahawa ng sakit mula sa isa sa mga dayuhang babaeng hostages na ginahasa ng ASG sa kasagsagan ng hostage crisis noong April 23, 2000.
Sina Susukan at Robot ang responsable sa pagdukot sa 21 katao sa Sipadan beach resort na kinabibilangan ng tatlong German, dalawang Frenchmen, dalawang South Africans, dalawang Filipino, isang Lebanese, siyam na Malaysian at dalawang Finnish nationals.
Lahat, maliban sa isang Filipino diving instructor, ay pinakawalan matapos magbayad ng limpak-limpak na halaga ng ransom.
Isa umano sa mga babaeng hostage na ginahasa ni Susukan ang mayroong AIDS at nahawaan nito si Susukan matapos niyang pagpasasaan ang mga babaeng bihag.
Tumanggi ang opisyal na tukuyin ang pangalan ng dayuhang babaeng bihag na positibo sa sakit na AIDS.
Ayon pa sa opisyal, posible umanong maging si Commander Robot at iba pang lider ng ASG ay nagtataglay na rin ng AIDS dahilan sangkot ang mga ito sa pambibihag sa mga bandido.
Pinangangambahan namang mahawahan na rin ng AIDS ni Susukan ang iba pang babaeng binihag ng mga bandido sa Mindanao. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest