1-B puno itatanim - JDV
August 24, 2001 | 12:00am
Dahil isa nang national emergency ang pagkasira ng mga kagubatan sa bansa, inilunsad kahapon ni Speaker Jose de Venecia ang pagtatanim ng isang bilyong puno na tinawag niyang One Billion Trees Movement.
Sinabi ni de Venecia na ang pagtatanim ng isang bilyong puno ay isang multi-agency effort na ang layunin ay muling mapuno ng punongkahoy ang mga bulubundukin sa Luzon at Mindanao.
Tinatayang aabot sa P15 bilyon ang magugugol sa nasabing proyekto, subalit sulit naman umano ito dahil ito ang magbibigay ng pangmatagalang solusyon sa pagbaha at environmental problems ng bansa.
Dahil dito ay unti-unti na rin umanong matitigil ang pag-angkat ng lahat ng uri ng kahoy mula sa Africa, Asia at Latin America.
"I speak with a sense of crisis and of national emergency," ani de Venecia.
Sa ngayon umano ay kalbo na ang mga kagubatan sa eastern at western Mindanao, Cebu, Bicol, Sierra Madre Mountains, Samar, Leyte, Zambales, Bataan, Cagayan Valley at Ilocos provinces.
Nabigo umano ang pamahalaan na makapagtanim ng kinakailangang punongkahoy dahil mismong ang mga pulitiko ang nangunguna sa pagtotroso ng mga nagdaang panahon.
Sinabi pa ni de Venecia na inihain na niya sa Kongreso ang kanyang panukalang One Billion Tree bill na katulad din ng inihain niyang panukala noong 1997 bilang major component ng kanyang Economic Action Plan 747.
Inaasahan na ang mga itatanim na isang ektaryang punongkahoy ay makakapagbalik ng P1 milyong kita sa gobyerno pagkatapos ng 10 taon. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest