^

Bansa

Pisong budget sa ISAFP, tinutulan ng Malacañ

-
Tinutulan nang Malacañang ang banta ng mga kongresista mula sa oposisyon na alisan ng budget o bigyan ng one peso ang intelligence service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).

Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, mahalaga ang ginagampanang papel ng ISAFP sa national security.

Ipinaliwanag ni Tiglao na hindi lamang sa pag-iimbestiga sa money laundering ang trabaho ng ISAFP bagkus ay tumutulong din ito sa insurgency campaign ng pamahalaan.

"We just have to emphasize that the ISAFP role is very crucial to national security. There was just impression that all the ISAFP has been doing is investigating the money laundering charges that’s not true. The ISAFP has been very active in the national insurgency campaign," paliwanag ni Tiglao.

Ikinatwiran ng Malacañang na ang nagiging impresyon lamang sa ISAFP ay tanging kaso laban kay Senador Lacson ang pinagtutuunan ng pansin.

Ikinatwiran ni Tiglao na mahigpit ang ginagawang pagmamanman ng ISAFP sa mga banta sa pambansang seguridad.

Kumpiyansa naman ang palasyo na maipaliliwanag ito ng husto ni Defense Secretary Angelo Reyes sa mga budget hearing kaugnay ng kahalagahan ng ISAFP sa Armed Forces of the Philippines. (Ulat ni Ely Saludar)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES

ELY SALUDAR

IKINATWIRAN

ISAFP

MALACA

PRESIDENTIAL SPOKESMAN RIGOBERTO TIGLAO

SENADOR LACSON

TIGLAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with