Sa dalawang pahinang resolusyon, pumayag kahapon ang Third Division ng Sandiganbayan na makalabas kahit sandali si Estrada para maisampa ngayong araw na ito sa piskalya ng Pasig City ang P100M libel suit.
Sinabi ni Associate Justice Anacleto Badoy Jr., chairman at mga kasamahang sina Associate Justices Teresita Leonardo-de Castro at Ricardo Ilarde na mahalaga ang kahilingan ni Estrada kaya nila ito pinagbigyan.
Hindi naman nagsampa ng mosyon ang Office of the Ombudsman upang tutulan ang kahilingan ng dating pangulo.
Pangangasiwaan ng PNP ang pagpunta ni Estrada sa Pasig City at ang pagbalik nito sa Veterans.
Ang libel ay matapos isangkot ni Corpus sina Estrada at Sen. Panfilo Lacson na nagtatago umano ng multi-milyong dollar accounts sa ibang bansa na sinasabing nagmula sa illegal activities. (Ulat ni Malou Rongalerios)