^

Bansa

Erap pinayagang makalabas para makapagsampa ng 100M libel vs Corpus

-
Pinayagan na ng Sandiganbayan na makalabas sa Veterans Memorial Medical Center (VMC) si dating Pangulong Estrada para personal nitong maisampa ang P100 milyong libel suit laban kay ISAFP chief, Col. Victor Corpus.

Sa dalawang pahinang resolusyon, pumayag kahapon ang Third Division ng Sandiganbayan na makalabas kahit sandali si Estrada para maisampa ngayong araw na ito sa piskalya ng Pasig City ang P100M libel suit.

Sinabi ni Associate Justice Anacleto Badoy Jr., chairman at mga kasamahang sina Associate Justices Teresita Leonardo-de Castro at Ricardo Ilarde na mahalaga ang kahilingan ni Estrada kaya nila ito pinagbigyan.

Hindi naman nagsampa ng mosyon ang Office of the Ombudsman upang tutulan ang kahilingan ng dating pangulo.

Pangangasiwaan ng PNP ang pagpunta ni Estrada sa Pasig City at ang pagbalik nito sa Veterans.

Ang libel ay matapos isangkot ni Corpus sina Estrada at Sen. Panfilo Lacson na nagtatago umano ng multi-milyong dollar accounts sa ibang bansa na sinasabing nagmula sa illegal activities. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

ASSOCIATE JUSTICE ANACLETO BADOY JR.

ASSOCIATE JUSTICES TERESITA LEONARDO

MALOU RONGALERIOS

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PANFILO LACSON

PANGULONG ESTRADA

PASIG CITY

RICARDO ILARDE

SANDIGANBAYAN

THIRD DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with