Aide ni Rosebud ginulpi ng bata ni Ping
August 15, 2001 | 12:00am
Hinigpitan kahapon ang seguridad kay Mary Rose Ong, alias "Rosebud", prime witness laban kay Sen. Panfilo Lacson matapos na mabunyag na isang koronel na kilalang malapit sa senador ang pilit na naghahanap sa kanyang pinagtataguan.
Pinagbubugbog ni Supt. John Campos, umanoy bata ng senador at dating live-in partner ni Ong, si Dominador "Teng" Bartolata, 25, nagsisilbing security aide ni Ong sa loob ng 11 taon matapos tumanggi ang huli na ituro ang pinagtataguang safehouse ni Ong at sa dalawa nitong anak.
Sa reklamo ni Bartolata, naganap ang panggugulpi sa harapan ng Petron gas station na nasa panulukan ng Connecticut st. at Edsa sa Greenhills, San Juan bandang alas-9:30 ng gabi kamakalawa.
Sinabi ni Bartolata na pinipilit umano siya ni Campos na aminin ang pinagtataguan ni Ong at mga anak nito at nang hindi nito sabihin ay ginulpi siya.
Isang ISAFP agent na kasama ni Bartolata ang umawat kaya natigil ang pambubugbog.
Sa pahayag ng nasabing agent, si Campos ay may kasamang isang lalake na nanatili sa loob ng nakaparadang Honda Civic car na may plakang UKY 201 habang nagaganap ang pambubugbog.
Nangangamba ang biktima na balikan siya ng suspek matapos magbanta ang huli. Nakatakdang magsampa ng kaukulang kaso si Bartolata laban kay Campos.
Matatandaan na si Rosebud na kilala rin sa bansag na Mata Hari ay dating Chinese interpreter ng nabuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force na pinamumunuan noon ni Lacson.
Si Ong ay bahagi rin ng joint military at police team na kamakailan ay nagtungo sa Amerika para kumalap ng ebidensiya laban kay Lacson partikular sa umanoy multi-milyong bank accounts nito at iba pang ari-arian sa nasabing bansa.
Si Campos ay matatandaang isinangkot rin ni Ong kasama si Lacson at iba pang tauhan nito sa umanoy pagpatay sa limang Chinese nationals na dinukot ng mga ito at pinatutubos kapalit ng milyong halaga ng ransom money. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest