^

Bansa

P250-B droga nailusot ni Ping - Corpus

-
Umaabot sa P250 bilyong droga ang naipasok ng big-time international drug syndicate sa bansa partikular na mula sa mainland China at Hong Kong na kaalyado umano ni Senador Panfilo "Ping" Lacson sa ilegal drug operations na bahagi ng nakamal nitong bultu-bultong salapi na itinago nito sa ibang bansa.

Ito ang pinasabog na panibagong kontrobersiya kahapon ni ISAFP chief, Col. Victor Corpus sa ginanap na press briefing sa Camp Aguinaldo.

Ayon kay Corpus, naisagawa ng grupo ng drug syndicates na kinaaniban ni Lacson ang pagpapasok sa bansa ng nasabing bilyong halaga ng droga noong ito’y kasalukuyan pang PNP chief at hepe ng binuwag na PAOCTF.

Ilan sa mga droga ay ipinagbibili umano sa mga commercial districts sa bansa samantalang ang iba ay ibinenta ng sindikato sa ibayong dagat na karamihan ay galing sa mainland China at HK.

Kasama umano ni Lacson sa malaking drug deal na ito ang isang Kim Wong na sinasabing mayroong koneksiyon sa HK Triad drug syndicate.

Si Wong, ayon pa kay Corpus ang gumasta sa pangangampanya ni Lacson noong kumandidato itong senador at siya ring nagbabayad ng limang cellphone nito noong ito ang PNP chief.

Sinabi ni Corpus na inihahanda na nila ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay Wong.

Muli ring iginiit ni Corpus na walang bahid ng pulitika ang pagbubulgar niyang ito sa anomalya ni Ping.

"I want to clear to the public, our expose has no political motivation. Drug money can rule this country under the influence of narcopolitics if we will not act on it," depensa pa ni Corpus upang harangin ang umano’y ambisyon ni Lacson na kumandidatong presidente sa 2004.

Inihayag pa ni Corpus na hindi siya titigil sa pagpapasabog ng kontrobersiya laban kay Lacson hanggat hindi pinasisimulan ng Senado ang imbestigasyon laban sa katiwalian ng opisyal.

Nagbanta rin si Corpus na may ilulutang silang 17-anyos na mayamang Chinese na nakaligtas matapos tangkaing paslangin ng kidnap-for-ransom gang na minamaniobra umano ni Lacson.

"Pag lumabas ito, patay sila," banta pa ni Corpus kung saan ay patuloy pa rin nilang kinukumbinsi ang biktima na tumestigo laban sa senador. (Ulat ni Joy Cantos)

CAMP AGUINALDO

CORPUS

HONG KONG

JOY CANTOS

KIM WONG

LACSON

SENADOR PANFILO

SI WONG

VICTOR CORPUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with