Milyones ni Ping iniligpit na - Corpus
August 10, 2001 | 12:00am
Nilimas nang lahat ni Senador Panfilo Lacson ang milyong dolyar nito na nakadeposito sa Citibank sa Hong Kong kaya malakas umano ang loob nitong mag-isyu ng special power of attorney upang i-withdraw ang nasabing dollar accounts.
Sa ginawang pagbubulgar kahapon ni Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) chief, Col. Victor Corpus, sinabi nito na si Lacson ay nagtungo sa HK sa pagitan ng Hulyo 26 hanggang 28 at inilabas sa Citibank-HK ang kabuuang $182,304,760M dollar accounts nito sa HK.
Base sa hawak na dokumento ni Corpus, si Lacson ay lumipad papuntang HK dakong alas-8:28 ng gabi nitong nakaraang Hulyo 26 sakay ng Cathay Pacific flight 918. Nagtagal umano ang senador ng tatlong araw sa nasabing bansa at bumalik ng Pilipinas bandang alas-6:44 ng gabi ng Hulyo 28 lulan ng Cathay Pacific flight 903.
"Its possible he knew we will be looking for his accounts (in HK). He flew there to clean up his mess," pahayag ng itinuturing na master spy ng bansa.
Nauna nang hinamon ni Lacson si Corpus na i-withdraw ang sinasabing milyong dolyar nito na nakadeposito sa HK matapos itong magpalabas ng special power of attorney pero iginiit ng ISAFP chief na waiver of authority ang ibigay ni Ping.
Sa dokumentong ipinalabas ng ISAFP kahapon, nabatid na si Lacson ay nagmamantine ng walong bank accounts sa Citibank Hong Kong.
Nabatid na sinimulan ng ISAFP ang pag-iimbestiga sa nakatagong bank accounts ni Lacson sa HK noong Hulyo 25, isang araw bago magtungo doon ang senador.
Gayunman, bigo si Corpus na ipakita ang anumang ebidensiya na magpapakita na "nilinis" na nga ng senador ang lahat ng kanyang bank accounts sa Hong Kong tulad ng ipinahayag nito.
"He should issue a waiver for him to waive his rights in bank secrecy to enable us to look and investigate all his accounts and those of his wife, former president Estrada and Senator Loi Estrada here and abroad," wika ni Corpus. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest