^

Bansa

Kumander, 26 tauhan sumuko:13 Abu hostages nasagip ng military

-
Nailigtas ng buhay ang 13 hostages kabilang ang walong bata sa isinagawang operasyon ng tropa ng militar kahapon ng madaling araw sa Isabela City.

Ang mga nasagip na hostages ay mga kinidnap ng Abu Sayyaf noong Huwebes ng gabi nang salakayin ang kanilang tirahan sa Sitio Campo at Sitio Baguiniao sa Bgy. Balobo.

Sa report na natanggap kahapon ni Acting Chief of Staff Lt. Gen. Jose Calimlim, nasagip ng mga elemento ng Task Group Thunder ang mga hostages sa bisinidad ng Kapayawan Complex, Isabela City, bandang ala-1:30 ng madaling araw.

Nabatid na napilitan ang mga kidnappers na abandonahin ang mga hostages sa takot na maabutan ng humahabol na operatiba ng militar na hindi huminto sa hot pursuit operations pagkaraang matukoy kung saan dinala ang mga bihag.

Kinilala ang mga nailigtas na hostages na sina Henry Usain,12; Jay-Ann Santos, 8; Crizelle Ramirez, 12; Janette Esteban, 10; Joey Esteban,11; Aris Revillas, 8; Mrs. Glenalyn Santos, 29; Mr. Diosdado Taup, 45; Mrs. Cecilia Ramirez, 42; Joselito Esteban, 35; Mrs. Hermie Revillas, 29; Cesar Ramirez, 9 at Harold Usain na pawang mga residente ng Sitio Campo 3, Bgy. Balobo, Lamitan, Basilan.

Sa kabuuang 33 kataong dinukot nina Hakim Yatin, Sattir Yacub at Gani Salaiman na pawang mga sub-commanders nina ASG leader Khaddafy Janjalani at Spokesman Aldam Tiglao alyas Abu Sabaya ay wala ng hawak na hostages mula sa Bgy. Balobo.

Samantala, matapos na makaranas ng matinding pressure sa isinasagawang massive crackdown ng pamahalaan, si Sayyaf Sulu base sub-commander Landasan Asanji at 26 nitong tauhan ay sumuko sa batas.

Si Kumander Asanji ay kasabwat umano sa pagdukot sa nailigtas na black American hostage na si Jeffrey Craig Edward Schilling may ilang buwan na ang nakalilipas.

Nakilala naman ang mga nagsisuko nitong tauhan na sina Abdul Adburahiem, Mahammaf Jusquirisan, Abdurajik Lahab, Aglim Bungso, Apud Saha, Eddie Amin Dawang, Hajebin Barral, Hashim Sali, Jali Samsi, Julah Kainubdin, Jumlah Abdah, Mulitar Angkay, Salad Angsah, Salapuddin Saha,Hadji Basari, Jansali Danag, Ummin Dawang, Mar Sakkam, Hgyleer Sahikad, Nasser Ammak, Jilang Sal, Hawadi Salabi, Bases Sakkam, Sespar Angkay, Belmeer Linzzas at Arad Asola.

Ang grupo ni Commander Asanji ay sumuko sa Joint Task Force Comet sa bisinidad ng Bgy. Bonbon, Patikul, Sulu dakong alas-10 ng umaga.

Ang desisyon ni Kumander Asanji na magbalik-loob sa pamahalaan kasama ang kanyang mga tauhan matapos maputol ang suporta sa kanila ni Ghalib Andang alyas Kumander Robot na tuluyan nang inabandona ang mga kasamahan nitong Sayyaf sa Sulu. (Ulat nina Joy Cantos at Rose Tamayo)

ABDUL ADBURAHIEM

ABDURAJIK LAHAB

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

ACTING CHIEF OF STAFF LT

BALOBO

BGY

ISABELA CITY

SITIO CAMPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with