Nañagas sibak na bagong SSS chief itinalaga
August 3, 2001 | 12:00am
Tuluyan nang sinibak kahapon ng Malacañang bilang presidente at chairman ng Social Security System (SSS) ang kontrobersiyal na si Vitaliano Nañagas bilang tugon sa sentimiyento ng nakararaming opisyal at empleyado ng SSS na nag-aklas.
Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, ang hakbang ng Pangulo ay para wakasan na ang problema sa nasabing tanggapan at ng manumbalik na ang normal na operasyon ng ahensiya.
Itinalaga ng Pangulo si Corazon dela Paz kapalit ni Nañagas at bilang pakonsuwelo ay inilipat naman ang huli bilang chairman ng Development Bank of the Philippines.
Samantala, hindi gagawaran ng parusa ang mga empleyado na nanguna sa pagwewelga para mapatalsik si Nañagas.
Inatasan na rin ng Pangulo si Finance Secretary Jose Camacho na ituloy ang pagsisiyasat sa "behest portfolio investments" na kinasasangkutan ng tatlong opisyal ng SSS na sina executive vice president Horace Templo, Sr., senior vice president Edgar Solilapsi at SSS loan department head Lilian Marquez.
Ang pag-iimbestiga sa tatlo ay batay sa isinumiteng report ni Nañagas kaugnay ng umanoy anomalya sa SSS.
Balik normal na ulit ang operasyon ng SSS matapos na magsibalikan na sa kani-kanilang mga trabaho ang mga nagsipag-aklas na empleyado nito.
Umaasa naman ang mga kawani ng SSS na hindi susunod sa yapak ni Nañagas ang gagawing panunungkulan sa ahensiya ni dela Paz para hindi na maulit pa ang demonstrasyon.
Ang bagong hirang na SSS president ay biyuda ni dating Presidential Adviser on Energy Affairs Wenceslao dela Paz. Dati siyang chairman at senior partner ng Juaquin Cunanan & Co. at Pricewaterhouse Coopers. Mayroon siyang masters degree sa Business Administration sa Cornell University.
Ang pinalitan naman ni Nañagas na chairman ng DBP na si Ernesto Leung ay pagkakalooban ng Pangulo ng bagong puwesto. (Ulat nina Lilia Tolentino/Ely Saludar/Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest