Isyu sa ama: 'Kung totoo, di ako magpapakahirap mag-artista' - Mikey"

Kung talagang may nakuhang P50 milyong payola ang aking ama, sana’y hindi na ako nagpapakahirap mag-artista!"

Ito ang naging tugon ni Presidential Son at Pampanga Vice Governor Mikey Arroyo sa pagkakadawit ng kanyang amang si First Gentleman sa umano’y P50 milyong suhol kapalit ng telecommunications franchise deal.

Sa isang eksklusibong panayam kay Mikey kahapon, sinabi nitong hanggat maari ay ayaw niyang magbigay ng pahayag sa isyung ito dahil malaki ang kanyang paniniwala na hindi magagawa ng kanyang ama ang bintang na ito sa kanya.

Tumanggi naman itong magsalita hinggil sa akusasyong nakikialam din umano ang kanyang ama sa operasyon ng Pagcor at Bureau of Customs. Ayon kay Mikey, may tamang proseso para maliwanagan ang isyu at sana’y hindi dinadaan sa trial by publicity ang kanyang ama. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments