Arraignment ni Janjalani ipinagpaliban
July 21, 2001 | 12:00am
Hindi natuloy ang nakatakdang pagbasa ng sakdal kahapon kay Hector Janjalani at sa 43 iba pang suspected Sayyaf members at supporters sa korte ng Zamboanga City matapos na magsumite ng mosyon ang defense counsels na humihiling na magsagawa muna ng preliminary investigation sa isinampang kaso at bigyan ng mga abogado ang ilan sa kanilang mga kliyente.
Nagdesisyon si Zamboanga Regional Trial Court Branch 16 Judge Jesus Carbon na gawin ang arraignment sa Agosto 22 para pagbigyan ang kahilingan na makapaghanda pa sa mga isusumiteng mga ebidensiya sa korte at sa dahilang si Janjalani at 27 sa 43 iba pang akusado ay wala pang mga abogado.
Nabatid na alas-4 pa lamang ng madaling araw ay inilabas na sa kanyang kulungan sa Camp Crame sa Quezon City si Janjalani, nakatatandang kapatid ng Abu Sayyaf leader na si Khadaffy Janjalani. Dinala ito sa Zamboanga city sakay ng eroplano ng PAL.
Dumating ito sa Mindanao kasama ang mga escort na pulis bandang alas-6 ng umaga at agad isinakay sa B-150 armored vehicle patungong Zamboanga City .
Ayon kay Zamboanga City BJMP regional director Supt. Leopoldo Morante na pansamantalang ikukulong si Janjalani sa Reformatory Center sa nasabing lalawigan habang wala pang pinal na utos ang korte.
Si Janjalani ay nahaharap sa kasong 11 counts ng kidnapping at serious illegal detention bukod pa sa kasong illegal possession of firearms at illegal possession of prohibited drugs.
Ang naturang mga kasong isasampa laban kay Janjalani ay nag-ugat sa pagkakasangkot nito sa magkakahiwalay na pagsalakay ng Abu Sayyaf sa dalawang paaralan sa Sumisip at Tuburan, Basilan noong Marso 20, 2000 kung saan mahigit sa 50 katao karamihan ay mga bata ang dinukot ng mga ito.
Magugunita na si Janjalani ay nadakip ng mga tauhan ng binuwag na PAOCTF noong Disyembre 27, 2000 sa Muslim compound sa Quiapo, Maynila ilang araw bago naganap ang Rizal Day bombing sa Metro Manila.
Tripleng seguridad ang ipinaiiral ngayon sa Zamboanga City dahil sa banta ng Abu Sayyaf na ililigtas si Janjalani. (Ulat ni Joy Cantos/Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest