Australia nagbigay na ng go-signal sa NBI
July 21, 2001 | 12:00am
Pinayagan na ang National Bureau of Investigation (NBI) na umentra sa kasong pagpaslang kay Atty. Ted Gonzales at pamilya nito sa Sydney, Australia.
Sinabi ni Pangulong Arroyo na tutulak ngayong araw na ito ang team ng NBI sa pangunguna ni Atty. Rickson Chong patungong Australia. Ito ay matapos pumayag ang New South Wales police department.
Nabatid na sasagutin ng NBI ang mga gastusin ng mga Pinoy investigator na ipadadala.
Gayunman, magsisilbi lamang observer ang grupo sa kalagayan ng imbestigasyon at inatasan na regular na magsumite ng report sa Pangulo.
Pormal na ring ipinaabot ng Pangulo ang kanyang pakikiramay sa mga naulila ng mga biktima partikular sa nakaligtas na anak na si Sef.
Samantala, inilibing na kahapon ng umaga sa Macquarie Cemetery sa North Ryde ang mga labi ng pinaslang na pamilya Gonzales. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am
November 16, 2024 - 12:00am
November 15, 2024 - 12:00am