^

Bansa

Isyu ng OT sa House nilinaw

-
Maluwag na tinanggap ng direktor ng Media Affairs Office (MAO) ng House of Representatives ang imbestigasyon sa isyu ng overtime pay ng mga empleyado ng MAO at sinabing legal at walang bahid ang pagbabayad ng overtime sa mga empleyado ng House media.

Sa isang press statement, sinabi ni Miguel Genovea, director-general ng MAO, na ang pagtatrabaho ng overtime ay bahagi ng media relations works sa Kamara.

Nilinaw niya na salungat sa mga naiulat, ang overtime pay ay para sa tatlong buwan at hindi lamang para sa isang buwan. Kahit walang sesyon, hindi nagsasara ang Kamara kung hindi nagre-recess lamang at patuloy ding nagre-report sa kani-kanilang trabaho ang mga empleyado ng Kamara. Bukas ang tanggapan ng MAO sa weekends at holidays para serbisyuhan ang higit 80 regular reporters sa House.

"Ang trabaho ng mga empleyado ng MAO ay hindi limitado sa Kamara lamang. Kailangan din nilang magpunta sa mga special assignments, tulad sa labas ng Metro Manila at mag-attend ng mga meeting sa labas ng kanilang regular working hours," paglilinaw ni Genovea.

BUKAS

GENOVEA

HOUSE OF REPRESENTATIVES

KAHIT

KAILANGAN

KAMARA

MEDIA AFFAIRS OFFICE

METRO MANILA

MIGUEL GENOVEA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with