2 Pinoy sa Saudi naisalba sa bitay
July 17, 2001 | 12:00am
Dalawa sa anim na overseas Filipino workers (OFWs) na inakusahang pumatay sa kanilang kapwa Filipino ang naisalba sa parusang bitay makaraang mapatunayan na ang dalawa ay nagsilbi lamang "accessories" sa naganap na krimen sa Jeddah, Saudi Arabia.
Sa ibinabang desisyon ng Taif, Higher Court ng Jeddah, ang mga akusadong sina Alexander Hugo at Jovencio Praxidio ay pinatawan lamang ng 5-7 taong pagkabilanggo sa piitan ng nasabing bansa, gayunman, umapela pa rin sila sa korte ng mas mababang parusa.
Samantala ang apat nilang kasamahan na sina Wilfredo Bautista, Antonio Alvesa, Sergio Aldana at Miguel Fernandez Jr., na kinasuhan din ng pagpatay kay Jaime dela Cruz ay patuloy pa ring dinidinig ang kaso sa korte.
Sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs mula sa Philippine Embassy sa Saudi Arabia, sina Hugo at Praxidio ay napatunayang hindi direktang nagkaroon ng partisipasyon sa naganap na pamamaslang kay dela Cruz.
Si dela Cruz na nanilbihan bilang laundryman sa Al-Hada Armed Forces Hospital sa Taif, Saudi Arabia ay natagpuang patay noong gabi ng Enero 6, 2000 sa hospital compound quarters na nakaupo ng maayos, malinis ang damit at walang bahid ng dugo sa katawan subalit may mga tama ng saksak ng patalim sa katawan.
Ayon pa sa DFA, ang dalawa ay napasama lamang sa kinasuhan ng Saudi police makaraang makuhanan sila ng halagang P270,000 riyals (P33.45 million) na umanoy parte sa napanalunan ni dela Cruz sa lottery bago ito napatay. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am