Perez hihirit para sa live show ni Erap trial
July 1, 2001 | 12:00am
Igigiit ni Justice Secretary Hernando Perez ang pagsasampa ng motion for reconsideration sa Korte Suprema na hihiling na payagan ang live coverage sa paglilitis sa kasong plunder ni dating Pangulong Estrada.
Ayon kay Perez, lumilitaw na inalisan ng karapatan ang mamamayan na makita ang lahat ng pangyayari sa paglilitis sa kaso ni Estrada dahil sa naging desisyon ng Korte na nagbabawal sa live coverage ng Erap trial.
Tiwala si Perez na maaari pang makalusot ang mosyon dahil may nakabakasyon na isang mahistrado ng Korte.
Inamin naman ni Sandiganbayan presiding Justice Francis Garchitorena na naaapektuhan ang mga taong nasa loob ng isang court room partikular ang mga abogado at justices kung mayroong nakatutok sa kanilang kamera.
May mga abogado umanong halos ayaw paawat sa pagsasalita lalo na at may live coverage sa isang kaso.
Nilinaw ni Garchitorena na papayagan pa rin ang pagkuha ng litrato at video sa loob ng korte, pero dapat itong gawin bago simulan ang paglilitis.
Maaaring manatili sa loob ng husgado ang print journalists at mga reporter ng radyo at telebisyon pero hindi sila puwedeng magdala ng live communication equipment.
Bawal din ang mga cellphones at tape recorders at ang maari lamang gawin ay magsulat nang nagaganap sa loob.
Mas makabubuti umano ang walang coverage dahil maaari lamang itong gamitin ng mga abogadong nag-aambisyong maging pulitiko katulad ng nangyari sa impeachment trial. (Ulat nina Ely Saludar at Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended