^

Bansa

Berroya pinasisibak ng Tsinoy kay GMA

-
Nagsimula na umanong magsipag-lobby kay Pangulong Arroyo ang ilang anti-crime groups mula sa mayayamang negosyanteng Tsinoy upang gapangin ang pagsibak sa puwesto kay Philippine National Police-Intelligence Group (PNP-IG) Director Sr.Supt. Reynaldo Berroya.

Ang hakbang na ito ay bunga ng kawalan umano ng kakayahan ni Berroya na mapigilan ang tumataas na bilang ng mga dinudukot na negosyanteng Tsinoy sa bansa partikular na sa Metro Manila na pumuna sa umano'y kakulangan ng rekord ng PNP at mga anti-groups sa dahilang marami umanong insidente ng kidnapping ang hindi naitatala ng pulisya.

Nabatid na nawalan na umano ng tiwala ang mga negosyanteng Filipino-Chinese kay Berroya na ipagpatuloy pa nito ang pamumuno sa PNP-IG.Mareresolbahan lamang daw ang problema sa kidnapping kung sisibakin ni Pangulong Arroyo si Berroya. (Ulat ni Joy Cantos)

BERROYA

DIRECTOR SR.

FILIPINO-CHINESE

JOY CANTOS

MARERESOLBAHAN

METRO MANILA

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-INTELLIGENCE GROUP

REYNALDO BERROYA

TSINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with