House arrest kay Jinggoy binawi
June 22, 2001 | 12:00am
Natapos kahapon ang pansamantalang kalayaan ni San Juan Mayor Jinggoy Estrada makaraang bawiin ng Third Division ng Sandiganbayan ang nauna nitong ipinalabas na kautusan para sa "house arrest" na ipinagkaloob dito.
Sa resolusyong ipinalabas ni Sandigan 3rd Division Anacleto Badoy Jr., kinakailangan nang bumalik ni Jinggoy sa Veterans hospital sa oras na matapos nitong magtrabaho sa kanyang tanggapan sa San Juan city hall matapos na hindi umano tuparin ni Jinggoy ang naunang kautusan ng korte na pinapayagan lamang makapunta si Jinggoy sa municipal building ng San Juan at sa kanyang tahanan sa San Juan.
Ang pagbawi sa house arrest ay ibinatay sa mga nalathalang ulat sa diyaryo at sa isang telebisyon na nagpapakita nang pagdalaw niya sa kanyang lola Mary, ina ni dating Pangulong Estrada, at ang pag-aalay nito ng bulaklak sa monumento ni Jose Rizal na ilang bloke lamang ang layo sa kanyang opisina sa San Juan.
Ang dapat umanong ginawa ni Jinggoy ay naghain muna ito ng kahilingan sa korte bago siya bumisita sa kanyang lola at sa monumento ni Rizal.
Kahapon din ay naghain ng urgent motion ang mga abogado ng mga Estrada na humihiling na dagdagan pa ng 10 araw ang 5-araw na pansamantalang kalayaan ni Jinggoy.
Hiniling ni Atty. Renato Saguisag na manatili si Jinggoy sa tahanan ng mga Estrada sa San Juan hanggang Hulyo 3. Ang limang araw na ibinigay kay Jinggoy ay matatapos bukas, Hunyo 23. (Ulat nina Malou Rongalerios at Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended