Hugis ng lupa sa Sarangani, GenSan nagbago - Phivolcs
Matapos magnitude 7.8 lindol
MANILA, Philippines — Naobserbahan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang ground deformation o pagbabago ng hugis ng lupa sa Sarangani at General Santos City makaraang maganap ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao noong June 8.
Ito, ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol ay base sa aerial at ground assessment, landslides, tension cracks, road subsidence, at rockfalls na naitala sa ilang lugar sa Sarangani, Davao Occidental, General Santos City, Glan, at Malapatan, Sarangani, bahagi ng General Santos at T’boli Road gayundin sa sections ng Sarangani-Davao Occidental Coastal Road.
Higit 6,600 aftershocks ang naitala isang linggo makaraang maganap ang malakas na lindol.
“Places with tension cracks might collapse, especially during heavy rains,” dagdag ni Bacolcol.
Dahil dito, muling hinikayat ni Bacolcol ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na dapat handa na ma-relocate sa mas ligtas ng lugar kung kinakailangan.
- Latest


















