Jinggoy, sinuspinde ng 90 days ng Sandiganbayan

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Sandiganbayan si Sen. Jinggoy Estrada kaugnay ng kasong graft na may kinalaman sa flood control mess makaraang makakita ang graft court ng valid criminal information laban sa Senador. Dulot nito, may tatlong buwan ding hindi makakapagtrabaho si Estrada bilang senador.
Sa ilalim ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Plunder law, mandato ng Sandiganbayan na isailalim sa preventive suspension ang isang incumbent public officials kapag may valid criminal information ang nakasampa laban dito.
Una nang inatasan ng graft court ang depensa at prosekusyon na magsumite ng kani-kanilang posisyon kay Estrada kung bakit ito maaaring masuspinde sa kanyang puwesto bilang senador.
Layon din ng hakbang ng Sandiganbayan na maiwasan ang posibleng pananakot sa mga witnesses sa kaso, pag-tamper sa ebidensiya at maling paggamit ng official authority habang naka-pending ang kaso.
Si Estrada at kapwa akusadong mga dating opisyal ng DPWH-NCR ay takdang sumalang naman sa arraignment sa June 30 para sa kanilang kasong plunder at graft na may kinalaman sa flood control anomaly.
Samantala, dahil sa ipinataw na preventive suspension order ng Sandiganbayan laban kay Estrada, hindi na maaaring lumahok ang una sa impeachment trial ni VP Sara Duterte sa loob ng 90 araw.
Sinabi ito ni Sen. Panfilo Lacson matapos iutos ng anti-graft court ang “suspension pendente lite” ni Estrada mula sa kanyang kasalukuyang pwesto bilang senador at sa anumang iba pang pampublikong posisyon na kasalukuyan niyang hawak o maaari pa niyang hawakan sa hinaharap, kaugnay ng mga kasong nag-ugat sa flood control scandal.
- Latest





















