^

Bansa

Viagra hataw pa rin kahit may economic crisis

-
Hindi naging hadlang sa mga kalalakihan ang sunud-sunod na problemang kinaharap ng bansa, dahil sa kabila ng krisis sa ekonomiya, tila hataw pa rin ang Viagra at tumaas pa ang benta.

Sa sales reports ng Pfizer Philippines, sinabi ni Kimmy Coseteng, corporate affairs manager ng nasabing pharmaceutical company na hindi naapektuhan ng economic crisis ang benta ng Viagra dahil parami ng paraming Pinoy na may erectile dysfunction (ED), medical term para sa impotency, ang bumaling sa pag-inom ng Viagra kung saan higit sa 10,000 Filipino men ang bumili ng pill simula nang una itong ipakilala sa pamilihan noong October 1998.

Ang Viagra (slidenafil citrate) na iniinom isang oras bago ang inaasahang pakikipagtalik, ay isang tableta na nagpapagana ng sexual stimulation at mabisa sa kalalakihan na may ED.

Ang pinaka-common na side effects ng nasabing droga ay sakit ng ulo at indigestion. Pero nagbabala ang mga health expert sa mga pasyente na umiinom ng anumang may nitrates kabilang ang heart medicine nitroglycerin na huwag gumamit ng Viagra, dahil sa panganib na makadebelop ng cardiac arrest.

Ang Pfizer Philippines ang unang nakadiskubre, nakadebelop at nagbenta ng Viagra na naglalayong gamutin ang mga kalalakihang may problema sa erection.

ANG VIAGRA

BENTA

DAHIL

KIMMY COSETENG

PERO

PINOY

VIAGRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with