^

Bansa

Private doctors sa mag-amang Estrada

-
Nais ng grupo ng mga abogado na pribadong mga doktor ang dapat tumingin kina dating Pangulong Estrada at anak na si Jinggoy para matanggal na ang mga pagdududa ng publiko hinggil sa tunay na kalagayan ng dalawa.

Iginiit ni Leonard de Vera, spokesperson ng Equal Justice for all Movement (E-Just) na hindi dapat ang doktor ng gobyerno ang tumingin sa kondisyon ng dalawa. Mas makabubuti anya kung independent doctors ang susuri para makatiyak ang administrasyon sa kalagayan ng mga ito.

Sa ganitong paraan ay malalaman na umano ng publiko ang dahilan kung dapat pa ngang manatili ang mag-amang Estrada sa Veterans hospital o dapat na silang ibalik sa kanilang piitan sa Fort Sto. Domingo sa Laguna.

Sinabi ng E-Just na maaari umanong nape-pressure lamang ng Malakanyang ang mga doktor ng Veterans na siyang dahilan ng pananatili ng mga ito sa nasabing ospital.
House arrest malabo sa Senado
Tiniyak ni Senate minority floorleader Renato Cayetano na malabong mapagtibay sa Senado ang panukalang batas na magbibigay ng house arrest sa mga kinasuhang opisyal ng pamahalaan at mga kriminal.

Ayon kay Cayetano, tahasang paglabag sa Saligang Batas ang pagpasa ng isang class legislation na ang makikinabang ay mga kriminal.

Ang pahayag ni Cayetano ay matapos umugong sa Kamara na isusulong ng mga crony at mga kongresistang kaalyado ng dating pangulo ang nasabing panukala.
IBP di pabor
Hindi pabor ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa ginawang pagbabasura ng Sandiganbayan sa house arrest petition ni dating Pangulong Estrada sa pagsabing hindi tulad ng ibang akusado na dapat pagkaitan ng hinihiling nito.

Ayon kay IBP President Arthur Lim, bilang dating pangulo ng bansa ay marapat lamang na pagbigyan si Estrada dahil hindi pa ito convicted sa kasong plunder na isinampa laban sa kanya.

Ayon kay Lim, kung nais anyang ipairal ng Korte ang pantay na trato sa mga nagiging akusado ay dapat na sa Quezon City Jail ito ikinulong dahil ito ang pinakamalapit na piitan sa Sandiganbayan. (Ulat nina Grace Amargo/Doris Franche)

AYON

CAYETANO

DORIS FRANCHE

E-JUST

EQUAL JUSTICE

FORT STO

GRACE AMARGO

PANGULONG ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with