^

Bansa

Kuta ng Sayyaf sa Basilan nabawi

-
Nabawi ng tropa ng pamahalaan ang kuta ng Abu Sayyaf sa Tuburan town, Basilan kasunod ng matinding labanan kahapon ng umaga pero walang nakitang mga bakas ng mga bihag dito.

Ayon kay Col. Jose Mendoza, AFP deputy chief for Civil Military Operation, nabawi ang kuta ng ma bandido dakong alas-2:30 ng hapon kahapon sa Bgy. Pegengan sa Tuburan.

Kamakalawa ay sinalakay din ng mga elemento ng Joint Task Force (JTF) Comet ang pinagkukutaan ng mga bandido sa isang liblib na lugar sa bayan ng Panglima Estino, Sulu pero bigo ang tropa ng pamahalaan na matagpuan ang 20 hostages.

Sinabi ni Brig. Gen. Romeo Dominguez, commander ng JTF Comet, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Bravo Company ng 5th Infantry Batallion (IB) ng Phil. Army matapos makatanggap ng impormasyon na namataan ang mga hostages na tinangay ng mga bandido sa bulubundukin at magubat na bahagi ng Sitio Kambatong, Bgy. Gat Gata sa bayan ng Panglima Estino.

Natagpuan sa inabandonang kuta ang naiwang pagkain at mga higaan na hindi na nagawang tiklupin ng mga umukopa na hinihinalang Abu Sayyaf at hostages na mabilis nagsialis sa nasabing lugar ng matunugan ang papalapit na gov’t troops.

Samantala, 500 pamilya ang nagsilikas na sa tatlong barangay sa Tuburan.

Ang mga evacuees ay mula sa villages ng Pegengan, Buhi Besi at Upper Sinangcapan. (Ulat nina Joy Cantos at Roel Pareño)

ABU SAYYAF

BGY

BRAVO COMPANY

BUHI BESI

CIVIL MILITARY OPERATION

GAT GATA

INFANTRY BATALLION

PANGLIMA ESTINO

TUBURAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with