2 bihag, 2 sundalo todas sa bakbakan ng Army vs Abu
June 2, 2001 | 12:00am
Dalawang sundalo ang kumpirmadong napatay at dalawa pang bihag ang iniulat na napaslang din sa sumiklab na mainitang bakbakan sa pagitan ng tropa ng Phil. Army at bandidong Abu Sayyaf sa isinasagawang search and rescue operations sa Palawan hostages sa masukal na kagubatan ng Tuburan town, Basilan kahapon ng umaga.
Labing-apat katao pa kabilang ang pitong sundalo ang sugatan at hindi mabilang na casualties sa panig ng mga Abu Sayyaf. Isa sa mga sugatang sundalo ang kinilalang si Lt. Fabic na nasa ligtas nang kalagayan.
Sa panayam ng RMN Zamboanga, kinumpirma ni ASG spokesman Abu Sabaya na dalawang hostages ang napatay matapos maipit sa labanan ng militar at kanilang grupo.
Ayon kay Sabaya, kasalukuyan nilang binabantayan ang paliligo sa isang sapa ng mga bihag ng bigla silang paulanan ng bala ng mga elemento ng Army sa bahagi ng mabatong Mt. Sinangcapan, Tuburan.
"Gaya ng sinabi ko, naliligo ang mga hostages akala siguro ng mga sundalo kasama namin. Pinagbabaril tinamaan ang dalawa, hindi ko na sasabihin kung sino doon, kung ano ang nationality," wika ni Sabaya.
Nabatid kay AFP spokesman Brig. Gen. Edilberto Adan, nagsimula ang banatan dakong alas-7 ng umaga sa bisinidad ng magubat na lugar ng Bgy. Buhi Besi, Mt. Sinangcapan, Tuburan nang magpang-abot ang tropa ng 32nd Infantry Batallion (IB) sa ilalim ng 103rd Brigade ng Phil. Army at may 100 bandidong Abu Sayyaf.
Tumagal ang sagupaan ng may dalawa hanggang tatlong oras bago tuluyang nagsiatras ang mga bandido tangay ang mga sugatan sa kanilang panig.
Sa isang phone interview, sinabi naman ni Brig. Gen. Romeo Dominguez, kumander ng JTF Comet na hindi dapat paniwalaan ang lahat ng sinasabi ni Sabaya dahil isa itong sinungaling.
Iginiit naman ni Adan na kailangan munang iberipikang mabuti ng military kung talagang may nasawi sa mga hostages dahil maaaring palabas lang ito ng Abu Sayyaf para itigil ng military troops ang hot pursuit operations nito laban sa mga bandido.
Sinabi ni Adan na wala ni isa mang hostage na nakita ang tropa ng pamahalaan matapos ang mahabang oras na bakbakan at hindi rin umano nakita sa nasabing lugar ang isa sa mga lider ng ASG na si Abu Sabaya.
Aminado si Adan na talagang may kahirapan para sa mga sundalo ang magsagawa ng operasyon matapos na pagsuutin na umano ng camouflage ng mga bandido ang mga bihag.
Hinggil naman sa pag-apela ng isa sa mga hostage na si Teresa Guanzon na isinahimpapawid sa radio RMN, sinabi ni Adan na maaaring tinututukan lang ito ng baril nina Sabaya kaya walang nagawa kundi makiusap sa military na ihinto ang operasyon dahil nanganganib umano ang kanilang mga buhay. (Mga ulat nina Joy Cantos,Rose Tamayo at Roel Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest