^

Bansa

Gloria natakot, nakipag-dialogue sa civil society

-
Sa takot umanong mawala ang suporta ng civil society sa kanyang administrasyon, nakipagdayalogo kahapon si Pangulong Arroyo sa grupong Bayan, Bayan Muna, Akbayan, Anakbayan, Gabriela at Sanlakas para tiyakin sa mga ito na walang special treatment na ipinagkakaloob ang gobyerno hinggil sa isyu ng house arrest kay dating Pangulong Estrada.

Napagkasunduan sa pulong na magdaos ng regular na pakikipagkonsultasyon sa mga grupo minsan isang buwan para mapanatili ang komunikasyon.

Ang dialogue ay matapos magbanta ang civil society na kakalas ng suporta kay Arroyo dahil sa ipinapakita umano nitong pagkiling kay Estrada.

Nilinaw ng Pangulo na ang pananatili ni Estrada sa Veterans hospital ay bunga lang ng problema sa seguridad at kawanggawa bilang dating Presidente ng bansa. Pinag-usapan din sa pulong ang pagtataas ng presyo ng langis at iba pang isyu. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

AKBAYAN

ANAKBAYAN

BAYAN

BAYAN MUNA

GABRIELA

LILIA TOLENTINO

NAPAGKASUNDUAN

NILINAW

PANGULONG ARROYO

PANGULONG ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with