Gloria-Loi sa 2004 presidential polls?
May 23, 2001 | 12:00am
Tinawanan lamang ni Pangulong Arroyo ang ulat na posibleng makaharap niya si dating unang ginang Dra. Loi Ejercito-Estrada bilang panlaban ng oposisyon sa 2004 presidential elections matapos na mapabilang sa magic 13 ang huli at inaasahang isa sa mahahalal nang senador.
Ayon sa Pangulo, hindi siya nababahala kay Loi at hindi pa nito iniisip ang 2004 presidential polls.
Ikinatuwiran ng Pangulo na hindi magiging maayos ang pamamahala ng isang presidente kung iniisip na nito ang susunod na halalan.
Idinagdag pa ng Pangulo na kuntento na siya sa lumilitaw na resulta sa katatapos na May 14 elections kahit hindi umubra ang 13-0.
Hindi umano niya itinuturing na nasayang ang kanyang pagod at oras sa pagkampanya sa PPC candidates dahil lumilitaw sa inisyal na bilangan na mayorya ang lumusot. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest