Erap at Jinggoy boboto sa Veterans
May 14, 2001 | 12:00am
Kumpirmadong boboto si dating Pangulong Joseph Estrada at ang incumbent San Juan Mayor Jinggoy Estrada sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) habang si Edwardo Serapio ay sa Obando, Bulacan.
Ito ang inihayag ni P/Gen. Thompson Lantion sa isang panayam sa Comelec Forum sa Westin Philippine Plaza kahapon, makaraang isugod ang dating Pangulo dahil sa sakit na brochitis at pagsumpong ng sakit sa athritis sa kanyang dalawang binti habang ang anak nito ay nagkaroon ng Lose Bowel Movement (LBM) dahil sa tubig sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa Laguna kung saan nakapiit ang mga ito dahil sa kasong plunder.
Una rito ipinahayag ni Commission on Election Chairman Alfredo Benipayo sa nasabing forum na pinayagan na ng Sandiganbayan na makaboto ang mga nabanggit sa Sta. Rosa o sa VMMC makaraang gumawa ng draft ang komisyon upang implementahan ang panukala na isagawa na lamang ang pagboto ng mga nabanggit sa nasabing ospital.
Ayon kay Benipayo bibigyan ng komisyon sina Estrada ng tatlong Board of Election (BOE) na kung saan ito ang magdadala ng mga balota, ballot boxes na paglalagyan ng kanilang boto at iba pang mga election paraphernalias.
Idinagdag pa ni Benipayo na mas pabor na ang kabuuang opisyal ng komisyon na idaos ang pagboto nina Estrada sa nasabing ospital dahil makakasiguro ang mga ito sa seguridad ng mga nabanggit. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended