Ayon kay NBI director Reynaldo Wycoco, kinukumpleto na lamang ng mga imbestigador ang lahat ng ebidensiya bago tuluyang isampa ang naturang asunto.
Ilan sa pinaghihinalaang sangkot sa pagbibigay ng pondo at naghakot umano ng tao para sumali sa paglusob sa Palasyo sina Malabon Mayor Amado Vicencio, Pasay City Mayor Peewee Trinidad, Caloocan City mayoral candidate Luis "Baby" Asistio at dating Metro Manila Development Authority (MMDA) Jejomar Binay.
Ang naturang mga opisyal ay kilalang malapit na kaibigan at kapartido ni dating Pangulong Estrada.
Lumalabas na may testigo ang NBI na nagtuturo sa ginawang paghahakot ng tao ng mga mayor/pulitiko para dalhin sa Edsa shrine. Habang si Binay ay itinuturo naman ng kalabang si Edu Manzano na umanoy naghakot ng mga squatters sa Makati para makisali sa ginawang demonstrasyon sa Edsa. (Ulat ni Grace Amargo)