Bagaman tumanggi ang Pangulo na pangalanan ang dalawang alkalde na nakatakdang arestuhin, sinabi ng Pangulo na ang nakuhang "strong evidence" sa dalawang mayor ay base sa mga resulta ng imbestigasyon sa naganap na paglusob sa Malakanyang ng pro-Erap rallyists.
Nilinaw ng Pangulo na mayroon nang utos na arestuhin ang dalawang mayor pero hindi ito nanggaling sa kanya. Ito anya ay nagmula sa DOJ.
Magugunita na may ispekulasyon na isinasangkot sina Manila Mayor Lito Atienza, Malabon Mayor Amado Vicencio at dating Makati Mayor Jejomar Binay na pawang nagsalita sa ginanap na anim na araw na vigil sa EDSA Shrine.
Kasabay nito, pinabulaanan ng Pangulo ang mga ulat na nagpalabas na ng arrest order laban kay Zamboanga City Mayor Ma. Clara Lobregat, isang kilalang political ally ni dating pangulong Estrada.
"Walang katotohanan na may arrest order kay Mayor Lobregat," pahayag ng Pangulo.
Isa pang local executive na kilalang kaalyado ni Palawan City Mayor Edward Hagedorn ang nakatakda ring arestuhin dahil sa pagdadala ng mga tao sa EDSA rally. (Ulat ni Lilia Tolentino)