^

Bansa

Mga residente ng Mindanao na hinakot sa EDSA tutulungan ng Malacañang

-
Lumikha na kahapon ng isang operations center ang Malacañang upang bigyan ng ayuda ang mga residente mula sa iba’t ibang lalawigan partikular sa Mindanao na naunang hinakot upang dumalo sa isinagawang rally sa EDSA ng mga taga-suporta ni dating Pangulong Estrada.

Inaprubahan ni Pangulong Arroyo ang pagtatayo ng operations center sa Malacañang na pamumunuan ni Presidential Assistant on Mindanao Affairs Jesus Dureza.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Dureza na nagpasya ang pamahalaan na bumuo ng operations center dahil sa mga natanggap nitong mga kahilingan ng mga mamamayan sa Mindanao upang mahanap ang kanilang kamag-anak at kaibigan na lumuwas sa Metro Manila at ipinadalo sa EDSA rally.

Ayon kay Dureza, kabilang sa ibibigay na ayuda ay ang libreng pamasahe upang maibalik sa kanilang lalawigan. (Ulat ni Ely Saludar)

vuukle comment

AYON

DUREZA

ELY SALUDAR

MALACA

METRO MANILA

MINDANAO

MINDANAO AFFAIRS JESUS DUREZA

PANGULONG ARROYO

PANGULONG ESTRADA

PRESIDENTIAL ASSISTANT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with