^

Bansa

Kapulisan nakaalerto sa pagdakip kay Erap

-
Sinabi kahapon ni Philippine National Police Spokesman Col. Rodrigo de Garcia na nakaalerto ang pulisya sakaling mag-rally ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Joseph Estrada kapag inaresto at ikinulong na ito kaugnay ng kaso nitong plunder.

Walang naiulat na mga rally kahapon ng mga tagasuporta ni Estrada pero may mga paghahanda na ang pulisya sa mga magaganap na kilos-protesta.

Inaasahan din nina Justice Secretary Hernando Perez at Ombudsman Aniano Desierto na ipapalabas na ng Sandiganbayan ang arrest warrant laban kay Estrada ngayong Lunes.

Samantala, nilinaw kahapon ni Press Undersecretary Bobby Capco na ang Sandiganbayan at hindi ang Malacañang ang may hurisdiksyon sa usapin ng arrest warrant ni Estrada.

Ginawa ni Capco ang paglilinaw para pabulaanan ang akusasyon ng oposisyon na may motibong pulitikal ang mabilis na pagdakip sa napatalsik na pangulo. (Ulat ni Ely Saludar)

CAPCO

ELY SALUDAR

GARCIA

GINAWA

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

OMBUDSMAN ANIANO DESIERTO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE SPOKESMAN COL

PRESS UNDERSECRETARY BOBBY CAPCO

SANDIGANBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with