Ayon kay Herrera, panahon na upang humingi ng tawad si Estrada sa kanyang mga kasalanan sa Panginoon at magpakita ng pagsisisi.
Sinabi pa ni Herrera na kailangan ni Estrada ang magbalik sa katuruan ng Kristiyano upang magkaroon siya ng pagkakataon na makilala ang kanyang sarili.
Magkakaroon lamang umano ng katahimikan ng kalooban si Estrada kung ititigil na nito ang pagmamatigas. (Ulat ni Malou Rongalerios)