Local gov't pinaayuda sa kalikasan
April 8, 2001 | 12:00am
KALIBO, Aklan- Nanawagan kamakalawa si dating Press Secretary Ricardo Puno Jr. sa mga pamahalaang-lokal na pangunahan ang kampanya laban sa pagwasak sa kalikasan bunsod ng mga nakakapinsalang aktibidad na pangkabuhayan.
Ayon kay Puno, kandidatong senador ng Laban ng Demokratikong Pilipino, ang pinsalang dulot ng pagsira sa ekolohiya ay nagbubunga ng bilyun-bilyong pisong epekto sa kabuhayan ng bansa.
Kailangan anya ang magkasanib na pagsisikap ng pamahalaang-lokal para matagumpay na masugpo ang walang pakundangang pagsira sa likas na yaman ng bansa at matugunan ang pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon ng mga Pilipino. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest